ngayon ko lang napansin na ang difference ng student number natin ay 12 lang. 011390 at 011378 ka naman, siguro ay pareho tayo ng araw ng pagsusubmit ng application form, at siguro pareho pa tayo ng room na pinagexaman, nakakatuwa kung iisipin, dahil hindi pa man tayo magkakilala ay pinagdudugtong na ang ating buhay, sa libo libong kumuha ng pupcet, sa libo libong pumasa at sa maraming kursong pwedeng pagpilian. napagsaraduhan nga lang ako sa comsci e, malay ko ba namang hindi ako aabot e pangalawa na ko sa pila ng biglang isara, sadya bang pinaglalaruan ng pagkakataon? o may kamay na kumokontrol sa mga pangyayari?
ano ba naman ang malay natin at naging magkaklase pa tayo, maging magkaibigan at napaibig mo pa ako, parang napaglalaruan tayo ng tadhana at para bang nilalapit talaga ako sayo, at kung ipagpapatuloy ng kung sino mang may akda ang paglapit at pagkahulog ko sayo, ipapaubaya ko na ang sarili ko dahil napaibig mo na ko at siguro nakatakda na kitang mahalin, bago pa man tayo tumuntong sa sintang paaralan