its not waiting, its continuous loving..

Home » Post Item » ulan

ulan

July 21, 2010

bumuhos ka ulan

basain ang aming katawan

diligin ang bulaklak at halaman

buhos na ulan

nakapila ang balde’t dram

nakasahod sa yong harapan

wag mo na kaming asarin ng ambon

dahil darating ang panahong

wala na kaming maiinom

wag mo nang ipagkait

babalik ka rin naman sa langit

at maiiwan kaming pilit

nag-aagawan sa tubig

Posted by kwoklongg at 11:41 pm | permalink

Add a comment