its not waiting, its continuous loving..

Home » Archives » 27. May 2010 » Page 2

ikaw ba yan?

May 27, 2010

hindi ko alam kung bakit

naiisip kita pag napapanood ko si kim chiu

hindi ko maintindihan

nakikita kita sa kanya

naaalala ko ang pagtakip ng iyong buhok

sa gilid ng iyong mukha

na madalas ay gusto kong hawiin

at isabit sa iyong tainga

upang masilayan ang iyong ganda

ang kislap ng iyong mga mata

at ang mapula mong pisngi

naiimagine kong lahat

ang makapal mong kilay

at ang malalambot mong labi.

nakikita ko ang iyong tuwa sa kanyang mga ngiti

at ang iyong mga luha sa kanyang pag iyak

nakikita kita kay kim

sana ako rin

makita mo

kay gerald anderson

kahit  mas pogi ako

at umaarte lang sila

pero ako

mahal kita talaga

 

 

 

 


 

Posted by kwoklongg at 2:39 am | permalink | Add comment