nakatungtong sya sa kalawakan
sa kalangitan nya matatagpuan
mga planetang umiikot sa araw
nakatawag pansin sa kanya ang mundo
at ang mga taong naglalakad gamit ang ulo
bakit daw ang ulan ay pumapatak pataas
at ang mga eroplano’y sumisisid pababa?
ang mga isda ay nasa langit
at ang ibo’y nasa lupa
sumisikat ang araw sa kanluran
habang pagabi naman sa silangan
bakit ang langit ay nahahati sa kapuluan?
at ang lupa ay isang malawak na kaulapan
hindi nya maintindihan
bakit ang tao’y gustong maglakbay sa kailaliman ng kalawakan
habang siya’y tumitingala
at nais liparin ang mundo.