its not waiting, its continuous loving..

Home » Archives » 03. February 2010

dami mong alam

February 3, 2010

 

 Alam mo ba?

ikaw ang lumilikom ng mga salita

sa utak ko

alam mo ba?

sayo rin nagmumula

ang mga salitang

tinipon mo sa puso ko

alam mo ba?

inaayos mo sila  at binabalangkas

upang makalikha

ng linya at mga taludtod

ikaw rin ang nagpapalit

pag meron kang naisip na panghalip

alam mo ba?

ikaw ang gumuguhit ng linya

pag may napansin kang mali?

alam mo ba?

ikaw rin ang nagsisingit  

sa maliit na espasyo

upang maging mas maganda?

alam mo ba?

ikaw ang nagdidiin sa mga letra

para mabasa ng malinaw

alam mo ba?

nakikita kita

habang sinusulat ko ito.

 

 

Posted by kwoklongg at 9:06 am | permalink | Add comment