pag gantong magpapasko talaga ang mga tao ay bumabait.. akalain ko ba naman na alukin ako ng nanay ko na bumili ng sapatos, walang problema, medyo kailangan ko rin dahil medyo nagbibitak bitak na yung hiiram kong sapatos ke les, at talagang sinagad na ni nanay ang kabaitan, binilan pa nya ko ng tsinelas,
bumili ko ng sapatos yung dual purpose na pwedeng maging tsinelas, kulay orange, syempre pagpasok ko kanina yun agad ang unang pinapansin bago e, tinanong ako ni maybel kung bakit orange yung pinili ko..
kung magdadahilan ako, sasabihin kong last na to e, magiimbento ko ng kung ano anong dahilan para mawala yung hinala nya. pero hindi mawawala ang hinala, at wala naman akong balak magdahilan o gumawa pa ng kung anong kwentong barbero.. may dalawa akong sagot sa tanong nya.. eto..
1. babagay kasi yung orange sa bag ko na brown.
2. para kung saan man ako dalhin ng mga paa ko, maalala kong maglakad pabalik sa kanya..
hehehe minsan pa profound lang ako, pakunwaring malalim pero ang totoo lahat ng to pauso ko lang.. kung alin ang mas matimbang sa dalawang kasagutan kayo na ang mamimili, hehehe