its not waiting, its continuous loving..

Home » Post Item » therapy 2.

therapy 2.

November 18, 2008

huling araw ng therapy ko, masaya ako dahil sa susunod na lunes wala na akong problema sa pag gising ng maaga, alas tres pa naman ang klase ko at pwedeng pwede na ko magpuyat ng linggo, 930 alis na ko ng bahay.. napagalitan na kasi ako ni mam grace, ang bago kong therapist.. oo nga pala dahil sa second sem na ay nagulo ang schedule ko at pinalipat ko ang sched ng therapy ko from tuesday ay naging monday na sya, napalitan din yung therapist ko, hindi na si kuya ronnie si mam grace na. at napagalitan nga nya ko nung nakaraang lunes dahil 10:00 ang sched at 12 na ko dumating.. ngayon maaga na ko, pinalipat ko rin ang sched from 10am ay naging 11am. 930, kailangan ko ng umalis. on the way papuntang manila doctor’s parang wala lang, napupunta lang ang isip ko sa mga bagay na mapansin ko, unlike dun sa unang entry na nasasabik akong makita si ate hazel. ayos, last na to.. for the first time sa loob ng walong session ay hindi ako nalate.. maglo-login sana ako sa admission kaso marami pang tao, naghintay muna ako sa upuan, lumilibot ang tingin ko, pinapanood ko yung isang pasyente, tingin sa kaliwa, tingin sa kanan,  nang biglang may naglalakad papalapit sa akin na pamilyar ang muka, si ate hazel!!!! pag daan nya sabi ko “uy” tapos konting batian, naka suot na sya ng kulay blue, regular na sya sa manila doctors, katulad ng hinihiling ko para pagpupunta ako ay siguradong andun sya.. dumiretso sya sa gym, may pasyente pa sya, pinapanuod ko sila ng biglang dumating yung bago kong therapist na pinalitan naman si ate keicy dahil nagpalit nga ako ng sched, di ko kinuha ang pangalan nya, hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero hindi rin talaga ako mahilig sa pagtatanong ng pangalan ng tao, unless magpakilala sya.. pinapunta na nya ko sa kwarto, kinuhanan ng bp, tapos hot pack sa likod..

dahil last ko na to, naisip ko ng kausapin na lang si ate, tinanong ko “ate di pa ba ko late?” sabi nya “hindi naman 11 oclock ang duty namin e” sakto 11 ang time in ko napapangiti ako sa isip ko hindi dahil sa maaga ako kundi dahil alam ko sa labas ng kwarto ay andun si ate hazel. pumupunta punta si mam grace, chinecheck ako, sabi nya last ko na daw pala, may ginawang adjustment sa mga exercise tapos sabi “sir last mo na pala ngayon, magpaschedule ka ng check up kay doc” dahil tumatakbo pa rin sa isip ko na dingding lang ang pagitan ko kay ate hazel nasabi ko na lang habang nakangiti “opo.” lumabas na sya, kinausap ko uli si ate, tinanong ko “ate kilala mo si ate hazel? yung naka salamin?” “ah si mam hazel staff na sya dito” tapos sabi ko ng buong pagmamalaki “alam mo sya yung dating nagaasist sakin, kaya nagulo yung program ng exercise kasi umalis sya” tumatakbo na naman sa isip ko si ate hazel, naalala kong si ate nga pala ang kausap ko at bilang pakunswelo e tinanong ko na lang kung gano sya katagal sa manila doctors..

pinag claps nya muna ako, at ngayon mas malakas kong naririnig yung “okay 1″ “okay 2″  mas malakas dahil alam kong nasa paligid lang si ate hazel..tapos lumabas si ate pagbalik nya may dala na syang weights, 5 pounds. pinatapos nya muna ko mag claps tapos sinabi nya “yung weights, yung squat, at yung bend dito na lang natin gawin” syempre reklamo ako “bakit dito, hindi ba pwede sa gym? marami bang tao sa gym?” sinilip nya yung gym “wala naman masyadong tao, pero sabi kasi ni mam grace kaya naman daw natin gawin dito kaya dito na lang daw” wala naman talaga akong reklamo, hindi naman sa ayokong gawin yun sa loob ng kwarto, yung weights sa kwarto ko unang ginawa dati, pero kasi nasa gym si ate hazel at gusto ko sya makita.. minadali ko na yung exercises, sa wakas ay pupunta na kami sa gym..

sa gym, inaayos ni ate yung gadget na pang weights.. hindi ako pamilyar sa terminologies ng mga physical therapist eh kaya di ko alam ang tawag, pero ito yung nilalagyan ng disc, ako nakaupo, pinapanuod ko si ate hazel sa salamin ng gym habang inaasikaso nya yung pasyente nya, inalalayan nya maglakad, mukang masaya sila, medyo makulit ata yung pasyente nyang matanda, lakad lakad sila hanggang mapadpad sila sa lugar namin, ako nakatingin lang sa kanya, mukang bago yung sapatos nya, all star na sneakers na mukang rubber shoes, kulay white, hindi bagay sa kanya, di ko na maalala yung dati nyang sapatos pero alam kong mas maganda yun, naka blue na rin sya, uniform ng mga PT sa manila doctors, hindi rin bagay sa kanya, mas maganda pa rin yung casual wear nya na pinatungan ng puting labgown.. lakad lakad lang sila, tapos napadpad uli sila samin, tinitigan ko na talaga sya na parang nagsasabing pansinin mo ko ate hazel.. epektib, huminto sila sa paglalakad at kinausap kami, sabi nya kay ate “mam patient ko sya dati” tapos sabi ni ate “oo nga e hinahanap ka nga nya” tapos parang sabi nya “umalis kasi ako” sabi ko naman “ang lungkot ko nga nun e” napangiti siya.. tapos lakad na uli sila, ako naman nageexercise habang nakatingin na naman ako sa reflection nya sa salamin ng gym” natapos na yung weights ko dun na ko sa balance board, wobble board ata tawag nila dun, ewan.. eto yung pinakamahirap sakin dati, at ngayon ginagawa ko to na parang wala lang, nakatingin ako kay ate hazel, nakahinto sila nung pasyente nya, alam ko pinapanuod nya ko, natutuwa kaya sya sa improvement ko? katulad ng tanong nung umalis sya. natutuwa sya, siguro.

natapos na ang huling araw ng therapy ko, kinukuhanan na ulit ako ng blood pressure, sabi ni ate “last day mo na ngayon, paschedule ka ng check up kay doc” sabi ko, “tatanong ko muna sa bahay” “kasi pag walang improvement itutuloy natin to” pabor sakin pag tinuloy, pero ayoko naman sabihin na walang improvement, alam ko meron ayoko ng ituloy yung therapy pero gusto ko bumalik dahil alam kong pagpunta ko siguradong andun na si ate hazel =)

sa muling pagcheck up ko sa doctor, sana makita nyang may improvement, sana ipagpatuloy pa yung rehabilitation pero sana ay mas matinding exercisies na ang ipagawa, sasabihin ko kung pwedeng pumili ng therapist, sino pa ba edi si ate hazel! sana pumayag, sana pwede, sana.

katulad ng sinabi ni ate keicy, babalik daw si ate hazel.. masaya ako at regular na sya.. pero sana si ate keicy na lang ang nagcontinue nung mga sessions na natira, masaya rin kasi syang kasama,madali pang mapatawa at hinahanap ko rin sya lagi kay ate.. =) kung hindi siguro nag bago ang schedule ko ngayong second sem baka sya pa rin ang nag aassist sakin ngayon, pero good thing na rin ay naniwala ako sa sinabi nya na babalik si ate hazel. bago ko lumabas ng rehabilitation center, sumimple muna ko sa salamin ng gym.

 

   

 

 

Posted by kwoklongg at 10:30 pm | permalink

Add a comment