sa pagpunta namin ng slaughter house kanina, hindi lang ang tamang pagkatay ng baka ang natutunan ko, habang pinapanuod ko kung paano pinipira piraso ang mga bahagi ng baka, naisip ko, ang baka ay katulad ng pag-ibig..
nawawalan ng malay ang baka pag ginamitan ng stunner
katulad mo nung tinamaan ng pag ibig, nawawala ka sa yong pagkatao
unti unti kang binabalatan,unti unti kang hinihiwa
tatanggalin ang iyong ulo, tatanggalin ang yong pagiisip
aalisin ang iyong puso, aalisin ang yong pakiramdam
unti unti ay ibinibigay mo ang lahat, unti unti ay mawawala sa yo ang lahat
at maiiwan kang nakabitin