nagbabasa ako ng libro, tungkos ng talinhaga, isa itong koleksyon ng mga tula.. may isang tula dito na nagustuhan ko, lahat naman ay maganda pero itong tula na to ay astig para sakin.. yung tipong pag binanggit yung libro itong tula na to ang agad kong maaalala, ang title nito ay “bakit?” ni wilfreda P. Jorge Legaspi.. ang totoo ay gusto kong iaalay ang tula na to sa isang tao..
“bakit?”
tao ako, marunong masaktan;
tao ka rin, marunong manakit.
bakit ako?
hinayaan kong madama mo ako
bilang ako.
bakit di mo ipadama sa akin ang ikaw
bilang ikaw?
natatakot ka?
saan?
bakit?
hindi pa ba sapat ang iyong mga pakpak
upang makalipad?
ako, walang pakpak ngunit pilit
na lumilipad.
naghahangad na balang araw maabot ka.
subalit ngayon, napakalayo mo sa akin.
di kita kayang abutin.
anong nangyari sa atin?
bakit?
prof ko si ma’am legaspi nung college. pakilala kita? ang galeng, nagulat ako sa lalim mo. salamat, na-inspire mo akong magsulat uli.
Posted by sie at December 2, 2008, 6:49 pm