its not waiting, its continuous loving..

Home » Post Item » therapy

therapy

October 18, 2008

kanina, excited ako magpunta sa manila doctor’s for my therapy, absent kasi ako nung tuesday.. napapangiti ako on the way, iniisip ko kasi makikita ko na naman si ate hazel. nagiisip ako ng mga sasabihin, gusto ko sanang sabihin na alam ko na kung bakit sya naka lab gown, kasi hindi pa sya regular.. gusto ko sana ikwento yung mga nangyari at kung bakit wala ako nung martes.. natutuwa ako.. habang naglalakbay papunta run.. pagpasok ko ng rehab nag log in ako, si kuya ronnie may pasyente pa so pinaghintay nya muna ko.. ako naman habang nakaupo, lumilibot yung tingin ko, i was looking left and right looking for ate hazel..

tinawag na ko ni kuya ronnie, pagdating sa room tinanong ko agad, kuya nasan si ate hazel? sabi nya, “wala ni si ate hazel mo last day na nya nung tuesday, bakit di ka nakapunta, di tuloy sya nakapagpaalam sa’yo” nalungkot ako, dumapa na lang ako sa kama dahil ilalagay na yung warm compress sa likod ko. tumatakbo sa isip ko si ate hazel, nakakapanghinayang na wala na sya, hindi man lang kami nakapagpaalam ng maayos, akala ko andun sya hanggang matapos yung program ng therapy ko, gusto ko sana sabihin na bday ko sa wednesday at gusto ko ng regalo. lols. basta gusto ko lang sya kausapin.. tapos pinakilala saken si ate keicy, sya na yung kapalit ni ate hazel, sa isip ko, walang kapalit si ate hazel. kamustahan lang kami ni ate keicy konting usap, pero ako si ate hazel lang tinatanong ko, gusto ko sakanya lang umikot yung usapan, sabi nya babalik daw sya, sabi ko naman baka tapos na yung program ko bago sya bumalik, sabi nya hindi raw, baka daw bumalik si ate hazel. ayos. natuwa ako sa sinabi nya, magkikita pa kami ni ate hazel.

pinagexercise na ako ni ate keicy tapos lumabas sya babalikan daw nya ko.. exercise ako, 10 counts. every round naririnig ko yung boses ni ate hazel “okay 1″ “okay2″ “okay 3″ hanggang sa matapos ko yung sampung round. nakakamangha lang na naririnig ko yung boses nya kahit wala naman talaga sya.. bumalik na si ate keicy, tapos pinapagbihis na ko pupunta na kami sa gym.. dati si ate hazel yung kasama ko sa gym.

sa gym, nagkakalituhan na, hindi na kasi namin masundan yung program dahil si ate hazel nga yung nagaassist sakin dati.. 3 kilos lang yung weights pero parang ang gaan, ang naaalala ko kasi ay 9 disc na yung pinapagamit saken ni ate hazel so i insist na 9 disc na yung previous.. pero magaan pa rin. tapos yung isa pang PT nakisawsaw na, 5 kilos yung nilagay, e magaan pa rin kaya inadjust na lang nila sa kung hanggang saan ang kaya ko.. ang gulo, kaya nadala na lang sa kwentuhan at biruan yung problema, may naghahanap din kay ate hazel na katrabaho nya, tapos si ate keicy biglang turo saken, sya rin hinahanap nya si hazel. sabay banat ni kuya ronnie saken, “ayan si ate keicy o, naiinlove ka na naman..”

napaisip ako. kinumpara ko sila, si ate hazel yung mas seryoso, nabibili nga yung tawa nya.. si ate keicy madali patawanin sya yung tipo na madali pakisamahan.. ayos lang pareho sila nakakatuwa, pero ako mas natetreasure ko pag si ate hazel yung tumatawa, para kasing seryoso sya at maraming iniisip kaya nageeffort tlga ko para mapatawa sya, unlike kay ate keicy mga simpleng banat natatawa na sya, mas approachable si ate keicy si ate hazel naman may parang may pagka authoritarian.. kung sakali, mas pipiliin ko si hazel.

tuloy ang work out sa gym, wala ng thrill saken yung mga pinapagawa, siguro isang bagay na rin yung pagiging approachable ni ate keicy, unlike kay ate hazel kasi na medyo nahihiya pa ko, pero si ate keicy ngaun ko lang nakilala pero parang magkavibes na kami.ayos, hindi na ko nahihirapan sa mga pinapagawa saken, kahit ako nagulat sa bilis ng improvement ko, yung sa balance na pinakamahirap para saken dati ngaun madali dali na, although may mga times pa rin na natutumba ako.. naisip ko na naman si ate hazel, sana nakikita nya yung improvement ko, matutuwa kaya sya?

naisip ko, na dapat pala pinapahalagahan natin ang bawat sandali, dahil hindi natin alam na baka sa isang iglap ay mawala na ang mga bagay o tao na pinahahalagahan mo, nakakalungkot yung hindi mo namalayan at hindi man lang sumagi sa isip mo na pwede syang mawala. ang totoo gusto ko sana sabihin kay ate hazel na sana maging regular ka na, para pagbalik ko dito siguradong nandito ka.. naisip ko rin yung quote sa text.. yung tungkol sa sunset.. na parang sinasabi na there is beauty in saying goodbye, napalitan naman sya ni ate keicy.. naisip ko rin na ang lungkot ay panandalian.. at magiging masaya ako pag nagkita uli kami.. at ngayon alam ko na, dapat din siguro na gawin kong mas masaya ang bawat therapy ko dahil baka mapalitan din si ate keicy..

ahaha nangangarap na naman ako.

     

 

 

Posted by kwoklongg at 11:50 pm | permalink

Add a comment