hindi ko alam kung pano ko nagsimula sa mundo,
parang nagising na lang akong may malay
pero kung iisipin kung pano at kung saan ako nagmula
hindi ko alam
na parang nagising na lang ako mula sa kawalan
at nagpatuloy sa paglalakbay sa tinatawag na buhay
sumabay sa alon at daloy ng pabago bagong mundo
dati.
pero nung makilala kita naging maya’t maya ang pagtigil
ng mabilis na mundong dati kong ginagalawan
para na kong jeep na maya’t maya ang pagtirik
pag ikaw ay lumalapit o kahit man lang ika’y nasa isip
tumitigil ang oras pagkasama ka
pero ayokong ito’y huminto
dahil pagkasama kita, nagsisimula pa lang ang buhay ko
at ang mundong ginagalawan ay napunta na sa mga mata mo
hindi na padadala sa alon.
sa halip ay lilikha ng bagong daan
tanging ang patnubay ay ang hindi matapos na kagustuhan at pangangailangan
sa `yo.
oh mai.. nice tlga .. ang lalim nmn nito.. hahah… nahulog ka tlga skanya nice.. hahah..
Posted by jowang at December 20, 2008, 9:35 pm
nakakaiyak…husay. promise.
Posted by sie at December 2, 2008, 6:46 pm