isakay natin sa tren ang alaala
paglalakbay na ating pinagsamahan
pag-ibig na nabuo sa ‘ting dalawa
sa puwesto kung san tayo nagkikita
sa may tindahan ng sago at gulaman
isakay natin sa tren ang alaala
sa iyong pagdating tayo ay pipila
sa linya na umuusad nang marahan
pag-ibig na nabuo sa ‘ting dalawa
sa byahe ay ikaw lang ang nadarama
kahit punong-puno at nagsisiksikan
isakay natin sa tren ang alaala
tayo ay bababa na sa may Pureza
sabay tayong maglalakad sa hagdanan
pag-ibig na nabuo sa ‘ting dalawa
mamaya muli kitang makakasama
ihahatid kita hanggang sa Santolan
isakay natin sa tren ang alala
pag-ibig na nabuo sa ‘ting dalawa.